|
minahal mo ba? hindi ko lubusang maintindihan pero matagal-tagal ko na ring hindi nasasabi ang i love you...i mean really, parang sa entry na ito ko lang ulit nasabi uhm...nasulat ang bagay na ito. bakit? dahil hindi bagay?... o baka naman dahil hindi ko ito nararamdaman...o sa pampelikulang sagot, hindi ko naman kasi ito kailangan. dahil ba ito sa "trauma" na binigay sakin ng aking nakaraan...? kaya ba lagi na lang ako nakikipag-flirt at hindi pumapasok sa commitment? baka bitter ako sa fact na namulat ako sa mundong nananakit pala ang tao...kung saan dati naniniwala ako sa fairy tales...kung saan may someone na naghihintay sa akin. soulmate ika nga...kaso wala na akong kaluluwa...iniwan ko na sa loob ng kahon. marahil takot na akong makaramdam ngayon kaya ang dali kong mang-laglag ng tao. natatak na yata sa utak at puso ko na mabubuhay akong ako lang. na hindi na applicable sakin ang no man is an island. Hindi ko na rin yata kayang hubarin ang maskarang nakalagay sa aking mukha dahil hindi ko na makikilala ang nasa ilalim nito. tapos ngayon...natututunan [o natututo] ko na yatang magmahal ulit... pero bakit parang sa maling pagkakataon pa? or...pagmamahal na kaya ito...baka naglalaro na lang ang mga demonyo sa loob? pwede kong sabihing hindi ko alam or i'm an emotional mess pero copyrighted na yun ng mga kaibigan ko...
...wala akong maisip...MITO ako eh...abnormal
*magandang character development na to!
Currently Listening: Joey Albert - Tell Me |